xdana♥co♥nr

01/02/2009

waling waling, sama sama. forever!

Samu’t saring mga issues and hinaharap ng aming section ngayon. For heaven’s sake, sabihin man ng laht na kami ang worst batch, we will accept it. Why?Worst man kami, sama sama namin haharapin lahat ng intriga, lahat ng unos and prolly, lahat ng kasinungalingan na ibabato nila sa section namin.

Totoo nga, kasalanan ng isa, damay ang lahat. Mapa-dalwa man sila o tatlo o sampu, damay ang buong waling. Sana ay malagpasan namin ito, isang problemang marahil no one would accept. The fact, that they are accusing as ****. I hate myself not revealing what they keep on pointing to us. Ohoy. I dont need to. Someone who is familiar with our section, alam niyo na iyan. Marahil ay napagusapan niyo na, marahil ay nahusgahan niyo na din kami ng bonggang bongga.

Hindi namin kayo masisi, sige pagpatuloy niyo pa. Okay lang. Karapatan niyo iyan.

Ngunit ang ilan sa amin ay nasasaktan, mga walang kasalanan, mga naging biktima rin ng taong walang magawa sa buhay, isang taong naturingang sakit na ata ang ****. Husgahan niyo man kami ng patuloy tuloy, tandaan hindi kaming lahat ay gumawa niyan.

DArating ang oras, malalagpasan namin ito.

Ang ganda, sa nalalabing 2 buwan na ilalagi namin sa paaralang itinuring namin na aming tahanan, ganito ang aming iiwan. Isang usap usap usapin na mahirap tanggihan.

Sana ay kahit papaano, may mabuting dulot ito.

Ang luhang naiwaldas ko nung biyernes ay ang panghuling luha na ilalabas ko sa usaping ito. Sana ay may umamin, sana ay may mag-iwan sa lamesa ng aming pangalawang ina.

At sa lahat ng naging biktima, sa lahat ng anggulo ng pangyayari, hindi lamang ang salarin ang dapat sisihin. Kung tayo ay nagingat, hindi ito mangyayari. Kung pinahalagahan natin ang bawat bigay ng ating magulang na mula sa dugo’t pawis, walang usaping sana ay lumalala ngayon.

Masakit. Hindi nakakatuwa.

Naranasan mo na ba na habang dumadaan ka sa pathway at may makasalubong na mas nakakataas sa iyo, ay titignan ka mula ulo hanggang paa. Marahil ay naghahanap sila ng isang bagay na hindi galing sa dugo’t pawis ng iyong ina at ama.

Sana sa nalalabing dalawang buwan, ngiti ang pumalit sa aming mga mukha, hindi luha, hindi galit, hindi away, hindi sigaw, hindi panghuhusga.

Sa iyo, patawad kung nahuhusgahan kita. Lahat tayo ay salarin, lahat tayo ay biktima.

WALING WALING, sana ay sulitin natin ang dalawang buwan. Dalawang buwan nalamang, at tayo ay magpapaalam na sa 4 na taon na ating napagsamahan.

Mahal ko kayo.

Waling waling, sama sama. Forever! :)

Tumblr » powered Sid05 » coded Claire » modified Home | Archive | RSS